Army detachment sinalakay ng NPA: 2 patay, 3 kritikal
September 28, 2001 | 12:00am
TABUK, Kalinga Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang 3 pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salakayin ng may 30 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang army detachment sa Brgy. Ballayangon kahapon sa bayan ng Pinukpok ng nabanggit na lalawigan.
Kinilala ni Brig. Gen. Rodolfo Alvarado, commanding general ng 5th Infantry Division ng Phil. Army ang dalawang nasawi na sina Benito Cuminga, isang miyembro ng Civilian Active Auxillary (CAA) at Marcial Mang-wag, isang sibilyan.
Samantala, ang mga malubhang nasugatan sanhi ng tama ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina S/Sgt. Zaldy Carino, detachment commander; Dominador Bucayu at Severino Pasigan na pawang mga miyembro ng 23rd CAA Company ng 21st Infantry Battalion at 501st Brigade.
Napag-alaman pa sa ulat na hindi na nakuha pang makipagpalitan ng putukan ang mga sundalo dahil sa biglaang paglusob ng mga rebelde.
Inaalam pa ni Gen. Alvarado kung may tinangay ang mga rebeldeng NPA na matataas na kalibre ng armas na hawak ng mga biktima.
Kasalukuyang sinisiyasat ng mga opisyal ng Kampo Melchor dela Cruz kung may kapabayaan sa panig ng mga sundalo na pinalalagay na walang tumatayong guwardiya nang lumusob ang mga rebelde. (Ulat ni Joe Dasig, Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended