4 NPA rebels nalambat
September 25, 2001 | 12:00am
Apat na miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nadakip ng mga operatiba ng militar sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Oriental Mindoro at North Cotabato kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Army Chief, Lt. Gen. Jaime delos Santos, unang bumagsak sa mga operatiba ng militar ang dalawang rebeldeng kinilalang sina Larry Viena Aparatao alyas Ka Mike at Allan Hermogino alyas Ka Jess.
Ang dalawang rebelde ay nasakote ng mga elemento ng Armys 18th Scout Ranger Company sa ilalim ng pamumuno ni 1Lt. Laurence Louis Somera sa bisinidad ng Sitio Manambao, Brgy. Sta. Cruz, Bongabong, Oriental Mindoro.
Si Aparatao ay itinuturong pangunahing suspect sa pagpaslang kay Mayor Oscar Aldaba ng bayan ng San Teodoro may ilang buwan na ang nakalilipas.
Samantala, dalawa pang miyembro ng NPA ang nadakip ng mga operatiba ng pamahalaan sa North Cotabato habang nagsasagawa ng security operations sa Sitio Mahayag, Brgy. Bulatukan sa bayan ng Makilala.
Nakilala ang mga nadakip na sina Eric Belarmino Bioc alyas Ka Ricky at Laurencio Perdogas Lato alyas Ka Raffy.
Ang dalawa ay pawang miyembro ng Front Committee 51 ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest