Nabatid sa ulat ni P/Insp. Jamison, hepe ng Kayapa police station, anim sa pitong nasawing biktima ay kinilalang sina Romy Culas, 34; Wilfred Anapi, Ambot Ivan, Wilfred Ketano, Singo Ventura at Fermin Adais na pawang residente ng Brgy. Gurel, Bukod, Benguet.
Samantala, isa sa pasahero na nakilala sa alyas na Pinaw-an ay ginagamot ngayon sa Veterans Regional Hospital sa Bayombong ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Alberto Aliaga, naganap ang aksidente dakong alas-7 ng gabi makaraang mawalan ng preno ang minamanehong bus ni Ventura sa kahabaan ng nabanggit na lugar.
Napag-alaman pa na ang Norton bus na lulan ng mga biktimang empleya- do rin ay pag-aari ni Anthony Mendoza ng Brgy. Pampang, Kayapa, Nueva Vizcaya.
Dahil sa bilis at pakurbada ang tinatahak ng bus na may plakang AYC-151 ay hindi na nito makuhang iwasan pa na mahulog sa bangin na may 200 metro ang lalim. (Ulat ni Joe Dasig, Jr.)