^

Probinsiya

Bus nahulog sa bangin: 7 patay

-
KAYAPA, Nueva Vizcaya – Pito katao ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyang pampasaherong bus ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Brgy. Castillo ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa ulat ni P/Insp. Jamison, hepe ng Kayapa police station, anim sa pitong nasawing biktima ay kinilalang sina Romy Culas, 34; Wilfred Anapi, Ambot Ivan, Wilfred Ketano, Singo Ventura at Fermin Adais na pawang residente ng Brgy. Gurel, Bukod, Benguet.

Samantala, isa sa pasahero na nakilala sa alyas na Pinaw-an ay ginagamot ngayon sa Veterans Regional Hospital sa Bayombong ng nabanggit na lalawigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Alberto Aliaga, naganap ang aksidente dakong alas-7 ng gabi makaraang mawalan ng preno ang minamanehong bus ni Ventura sa kahabaan ng nabanggit na lugar.

Napag-alaman pa na ang Norton bus na lulan ng mga biktimang empleya- do rin ay pag-aari ni Anthony Mendoza ng Brgy. Pampang, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Dahil sa bilis at pakurbada ang tinatahak ng bus na may plakang AYC-151 ay hindi na nito makuhang iwasan pa na mahulog sa bangin na may 200 metro ang lalim. (Ulat ni Joe Dasig, Jr.)

ALBERTO ALIAGA

AMBOT IVAN

ANTHONY MENDOZA

BRGY

FERMIN ADAIS

JOE DASIG

KAYAPA

NUEVA VIZCAYA

ROMY CULAS

SINGO VENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with