2 bus hulog sa bangin; 4 patay, 48 kritikal
September 24, 2001 | 12:00am
TERNATE, Cavite Apat katao ang kumpirmadong namatay habang 48 naman ang malubhang nasugatan at isa pa ang nawawala makaraang mahulog sa bangin ng Pinagpatayan Bridge ang dalawang bus na galing sa isang excursion kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sapang ng bayang ito.
Ang apat na biktimang namatay ay nakilalang sina Jay Victoria; Rommel Montino; Castulo Yobia at isa pang binatilyo na hindi pa alam ang pangalan.
Sa ibinigay na ulat ni Randal Ronjal, team leader ng Rescue 161, dakong alas-5:30 ng hapon ng maganap ang insidente habang ang mga biktima ay sakay ng dalawang bus na may plakang NXA-944 na minamaneho ni Amante Valenzuela at DKL-831 na minamaneho naman ni Manuel Ignacio na kapwa patungong Maynila mula sa isang excursion sa Ternate.
Bigla umanong nawalan ng kontrol ang naunang bus at tuluy-tuloy na bumulusok pababa ng Pinagpatayan Bridge na may taas na 30 talampakan at ang kasunod na bus ay bumulusok din pababa sa nasabing bangin.
Nabatid pa na 14 umano ang mga bus na galing excursion at ang nahulog na dalawang bus ay pang no. 13 at 14.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended