2 Indian nationals tiklo sa Antipolo bombing
September 19, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Dalawang Indian national ang dinakip ng pulisya habang pinaghahanap pa ang isang Pakistani at isang Pinoy na pawang nagsipag-check-in sa isang hotel sa lungsod na ito bago naganap ang pagkatagpo ng anim na home-made na mga bomba kung saan isa ang sumabog kamakalawa.
Ayon kay Supt. Normandy Carpio, hepe ng Rizal Criminal Detection and Investigation Group (RCDIG), isinasailalim na nila sa interogasyon ang dalawang Indian nationals na nakilalang sina Penkej Komar, 27; at Pankaj Jain, 20, kapwa residente ng 3115 Gladness St., Annex 18 Better Living, Parañaque City.
Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng Pakistani national at isang Pinoy na may puntong Mindanaon na kasama ang dalawang nadakip na tumuloy sa Gems Hotel sa may Circumferential Road, Antipolo City noong nakaraang Setyembre 16, isang araw bago naganap ang pagsabog sa may Rempson Supermarket sa may Lopez Jaena St., Brgy. San Jose.
Dalawang bumbero ang nasaktan sa naturang pagsabog habang apat na stalls ang nawasak at may 7 kabahayan ang naapektuhan sa naturang pagsabog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest