50 kabataang NPA sinasanay sa terorismo
September 17, 2001 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Tinatayang aabot sa 50 kabataang bagong recruit at sinanay sa terorismo ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang magsasagawa ng biglaang pagsalakay sa ibat ibang munisipyo, PNP at military detachment sa mga lalawigan.
Ito ang nakalap na impormasyon ng PSN reporter sa isang nagngangalang Ka Ronnie na tumatayong nag-recruit sa mga bagong kasapi ng NPA rebels na sinanay sa isang liblib na brgy. sa bayan ng Caramoan.
Karamihan sa mga bagong recruit na NPA rebels ay pawang mga kabataang lalaki at babae na sinanay na humawak ng malalakas na kalibre ng armas.
Hindi binanggit ni Ka Ronnie ang mga lugar na kanilang sasalakayin subalit kapag sumalakay ang US sa kanilang taga-suportang bansa ay sasabayan daw nila ang pagsalakay sa mga detachment ng PNP at militar partikular na ang ibat ibang munisipyo.
"Siguradong mayayanig ang pamunuan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kapag nagsagawa kami ng malawakang pagsalakay sa sa mga hindi binanggit na lugar," ani Ka Ronnie. (Ulat ni Ed Casulla )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest