^

Probinsiya

Bodyguard ng mayor patay sa ambus

-
Trece Martirez City, Cavite – Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang isang alalay ng mayor ng tatlong armadong kalalakihan habang naglalakad papauwi sa Barangay Cabuco ng nabanggit na lungsod kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng baril sa katawan ay kinilalang si Teodoro Gual, 48, may asawa, isa sa mga alalay ni Trece Martirez City Mayor Melencio De Sagun Jr. at residente ng Block 10 Lot 24 La Trinidad Subd. ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang dalawa sa tatlong suspek na ngayon ay isinasailalim sa imbestigasyon ay kinilalang sina Bernardo Del Rosario, isang brgy. kagawad at Salvador De Gayon.

Tinutugis naman ng pulisya si Romeo Tecson na kasamahan ng mga nadakip na suspek.

Napag-alaman pa ng pulisya na ang mga suspek ay kaalyado ng kalaban sa pulitika ni De Sagun.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pananambang sa biktima dakong alas-11 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad papauwi.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, nang mamataan ng mga suspek ang biktima ay kaagad nitong pinagbabaril hanggang sa mapatay subalit linggid sa kaalaman ng tatlo ay may mga nakasaksi sa pangyayari.

Sinabi naman ni Danilo Montehermoso, isa sa kasama ng biktima sa opisina ni Mayor De Sagun na noong nakalipas na May 14 elections ay pinagbantaan na ng mga suspek si Gual sa hindi nabatid na dahilan.(Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

vuukle comment

BARANGAY CABUCO

BERNARDO DEL ROSARIO

CRISTINA GO-TIMBANG

DANILO MONTEHERMOSO

DE SAGUN

LA TRINIDAD SUBD

MADING SARMIENTO

MAYOR DE SAGUN

ROMEO TECSON

SALVADOR DE GAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with