^

Probinsiya

Lolo nag-suicide dahil sa hika

-
IMUS, Cavite - Isang 78-anyos na lolo na pinaniniwalaang hindi na makayanan ang sakit na hika ang iniulat na nagbaril sa sarili at namatay sa sariling bahay kahapon ng umaga sa Barangay Medicion 2-A ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arturo Acosta, may asawa ng naturang lugar.

Natagpuan ng kanyang asawang si Generosa Acosta ang bangkay ng biktima dakong alas-8:30 ng umaga sa kanilang kuwarto na hawak pa ang baril na ginamit sa pagpapakamatay.

May teorya ang pulisya na hindi na makayanan pa ng biktima ang sakit na hika kaya nagpasyang magbaril sa sarili at namatay.
Farm helper todas sa ambus
SILANG , Cavite - Isang 38-anyos na farm helper ang iniulat na tinambangan hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay naglalakad papauwi mula sa pinapasukan sa Sitio Lukdo, Barangay Munting Ilog ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Mario Campus, binata ng nabanggit na barangay.

Naganap ang pananambang sa biktima dakong alas-11 ng umaga at inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen.
Ama inireklamo ng rape
LLANERA, Nueva Ecija - Isang high school student ang nagsampa ng reklamong panggagahasa laban sa sariling ama na naganap noong Agosto 23 ng madaling araw sa Sitio Cabiao, Barangay Bagumbayan ng nabanggit na lugar.

Ang biktima na sinamahan ng ina sa himpilan ng pulisya upang magreklamo ay itinago sa pangalang Rita, 14, habang ang sinampahan naman ng kasong rape ay nakilalang si Arsenio Guerzon, 42, magsasaka ng nabanggit din lugar.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang maitim na balak ng suspect sa biktima bandang ala-1:30 ng madaling araw ng nabanggit na petsa.

Nadiskubre lamang ang pangyayari makaraang mapansin ng ina na malimit na umiyak at matamlay ang biktima kaya naisiwalat nito ang mapait na karanasan sa sariling ama. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ARSENIO GUERZON

ARTURO ACOSTA

BARANGAY BAGUMBAYAN

BARANGAY MEDICION

BARANGAY MUNTING ILOG

BIKTIMA

CAVITE

CHRISTIAN RYAN STA

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with