5 patay, 19 sugatan sa vehicular accident
September 15, 2001 | 12:00am
Limang katao ang nasawi habang labinsiyam naman ang grabeng nasugatan sa naganap na magkakahiwalay na vehicular accident sa tatlong lalawigan kamakalawa ng hapon.
Dalawang katao ang namatay habang labing-anim ang malubhang nasugatan matapos na bumaligtad ang isang Dagupan aircon bus (AVH-914) na patungong Maynila sa kahabaan ng KM 40 plus 700 sa Brgy. Lalangan, Plaridel, Bulacan.
Ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Rudy Abanso, 40, driver ng naturang bus at ang pasaherang si Virginia Dizon, 35, habang ang 16 na sakay dito ay isinugod sa ibat-ibang pagamutan.
Nabatid na binabagtas ng bus ang nasabing highway dakong alas-2 ng hapon nang bigla na lamang nagpreno ang isang kotse na nasa unahan nito.
Dahil sa alam ng driver na siya ay babangga ay agad nitong kinabig pakaliwa ang manibela na naging dahilan para ito ay bumaligtad.
Napisak naman ang katawan ng biktimang si Jimbo San Juan, grade 1 pupil at residente ng Panungtungan, Tibungan, Davao City nang ito ay mabundol ng isang KIA van (WHW-789) na minamaneho ni Albert Gonzales, 27, dakong alas-3:05 ng hapon.
Ang suspek ay kusang loob na sumuko sa mga awtoridad.
Samantala ang huling pangyayari ay naganap sa Sipocot, Camarines Sur ng isang mag-ama ang nasawi at tatlo ang nasa kritikal na kalagayan nang ang sinasakyang jeep nito ay sumalpok sa isang ten wheeler truck dakong alas-5 ng hapon.
Ang mag-amang nasawi ay sina Salvador Asanon, 43 at Susan Asanon, 28, dalaga, samantala, ang mga nasugatan ay nakilalang sina Bella Llanera, 30,Cesar Asanon, 21 at ang driver na si Bobot Navera na pawang residente ng Brgy.Calagbangan ng nasabing bayan.
Nabatid sa ulat ng pulisya na mabilis na tinatahak ng jeep ang kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Tara nang ito ay sumalpok sa kasalubong na ten wheeler truck na minamaneho ng suspek na si Francisco Lipata. (Ulat nina Efren Alcantara,Joy Cantos at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest