^

Probinsiya

Sasakyan tumaob: 1 patay, 8 grabe

-
SILANG, Cavite – Isang 70-anyos na babae ang iniulat na nasawi habang walo ang malubhang nasugatan makaraang tumaob ang sinasakyang government vehicle ng mga biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Lalaan 2 ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Monica De Sagun, ng Subic Ibaba, Agoncillo, Batangas.

Samantala, ang mga nasa kritikal na kondisyon ay kinilalang sina Oscar Cabrera, 46, driver at isang konsehal sa bayan ng Agoncillo, Batangas; Lazaro De Sagun; Forferio De Sagun; Solidad De Sagun; Apolinar Cabrera, Teresita Carino; Gilbert Toledo at Narcilita De Sagun.

Nabatid na ang mga biktima ay dadalo sa isang kasalan sa Dasmariñas, Cavite at ang ginamit na sasakyan ay pag-aari ng lokal na pamahalaan na hindi nabatid kung may permiso sa alkalde.

Ang mga biktima ay pawang magkakamag-anak at residente at empleyado ng munisipyo ng Agoncillo, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Frederick Reyes, may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari dakong alas-4 ng hapon makaraang mawalan ng kontrol ang manibela ng Isuzu AUV na may plakang SAA na nakarehistro sa Mayor’s office ng Agoncillo, Batangas.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na lumampas ang sasakyan ng mga biktima sa naunang behikulo subalit dahil sa may kasalubong ay bigla na lamang kinabig ng driver kaya naging sanhi upang tumaob ito.

"Masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan ang driver kaya ito nadisgrasya," ani ng isa sa nakasaksi. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

AGONCILLO

AGUINALDO HIGHWAY

APOLINAR CABRERA

BARANGAY LALAAN

BATANGAS

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

FORFERIO DE SAGUN

FREDERICK REYES

GILBERT TOLEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with