$5,000 ibibigay sa pamilya ng 2 Chinese engineer
September 1, 2001 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magbibigay ang pamahalaang Pilipinas ng compensation sa mga Chinese engineers na napatay ng kidnappers sa Mindanao.
Sa kanyang pulong kay Chinese Ambassador Wang Chun-Gui at pamilya ng mga namatay na biktima, inialok ng Pangulo ang limang libong dolyar na tulong pinansyal sa pamilya ng dalawang biktima.
Tiniyak din ng Pangulo sa mga Chinese na pagsisikapan ng pamahalaan na tiyakin ang operasyon laban sa kidnappers ay magreresulta sa ligtas na pagpapalaya ng nalalabing bihag.
Nangako din ang DFA na mag-iisyu ng official account ng insidente kung saan namatay sina Chinese Engineers Zhang Zhong Quiang at Xue Xing.
Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi maaantala ang GRP-MILF peace talks.
Kanyang tinukoy na pinabulaanan na ng MILF ang pagkakasangkot nito sa nasabing kidnapping. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest