5 katao kritikal sa ambus ng NPA
August 31, 2001 | 12:00am
Lima katao ang malubhang nasugatan kabilang ang apat na empleyado ng Department of Agriculture (DA) makaraang pagbabarilin ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang sinasakyang owner type jeep ng mga biktima sa magubat na bahagi ng Cabugao, Ilocos Sur, kamakalawa.
Gayunman, sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kabilang sa mga nasugatan ay isang tinukoy lamang sa pangalang Castillo ng Treasury Office habang kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan ng apat na empleyado ng DA.
Naitala ang pananambang dakong alas-2:30 ng hapon sa magubat na bisinidad ng Brgy. Catucdaan, Cabugao ng nasabing probinsiya.
Kagagaling lang umano ng mga biktima sa Brgy. Mardudon, Cabugao matapos dumalo sa pagbabakuna ng mga baka at iba pang hayop kaugnay ng pagbisita sa Brgy. Cabugao Mayor Dioscaesar Suero kasama ang pitong police escorts ng opisyal.
Natigil lamang ang pamamaril ng mga suspek matapos na mapagtantong nagkamali sila ng target na mabilis na nagsitakas patungo sa kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended