Misis timbog sa panunuhol
August 28, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Dinakip ng pulisya ang isang 30-anyos na misis makaraang suhulan ng malaking halaga ang mga imbestigador kapalit ng kalayaan ng magka-live-in partner na nakakulong sa kasong pagnanakaw, kamakalawa ng hapon sa mismong PNP station sa Brgy. 5 ng lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Evelyn Mendoza ng Brgy. Sto. Cristo, San Pablo City.
Bandang alas-5 ng hapon nang dumating ang suspek sa Lucena PNP station upang makipag-areglo sa mga imbestigador ng kaso ng magka live-in partner na si Rolando at Melanie Marin na may kasong robbery laban sa isang trader.
Subalit tinanggihan ng mga imbestigador na pulis ang alok ng suspek na halagang P15,000 at ito ay kinasuhan ng kasong panunuhol. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest