Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isabelo Barbecho II, 56, may asawa, nakatatandang kapatid ni dating 2nd Infantry Battalion Commander Col. Isabelo Barbecho III ng Phil. Army na nakabase sa Juban, Sorsogon.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na naganap ang krimen dakong alas-11 ng umaga at may teorya ang pulisya na pinaghigantihan lamang ng mga rebelde ang biktima sa ginawa nitong pagre-recruit ng mga kalalakihang upang maging CAFGU na ilalaban sa mga NPA. (Ulat ni Ed Casulla)