NPA leader, 4 tauhan sumuko
August 25, 2001 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Isang mataas na lider ng New Peoples Army (NPA) at apat nitong tauhan na kumikilos sa Mindoro Island ang sumuko sa militar dahil sa dinaranas sa kabundukan sa Sitio Cavilian, Bgy. San Juan, Bulalacao, Oriental Mindoro, ayon sa report ng Southern Luzon Command (SOLCOM).
Kinilala ang mga nagsisukong sina Franklin Famini, alyas Manny, team leader, Nick Det-ag alyas Rolly, vice squad leader, Gerin- Det-ag alyas Felix, Herman Villegas alyas Poctor at Orbin Pamor.
Inamin ng mga rebelde na ang kanilang pagsuko sa militar ay dahil sa hirap na dinaranas sa kabundukan habang ang kanilang lider sa kilusan ay nagpapasarap sa ibang bansa.
Sinabi rin nito na hindi nila masikmura ang kanilang ginagawang extortion sa mga maliliit na mamamayan para lamang makalikom ng pondo ang kilusan.
Sinabi ni Lt. Col. Danilo Fabian, hepe ng civil military operation na isasailalim nila ang mga nagsisukong rebelde sa Department of National Defense-Armed Force of the Philippines Balik-Baril Program. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest