^

Probinsiya

Utak sa Espinosa slay tukoy na ng NBI

-
Tukoy na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ‘utak’ sa naganap na pamamaslang kay Mayor Moises Espinosa Jr.

Nasa pangangalaga ngayon ng NBI-Region 5 sa Bicol ang umano’y testigo na pansamantalang di-binanggit ang pangalan.

Kasunod nito, bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang itinuturong principal killer ni Espinosa Jr. sa isinagawang follow-up operations sa nasabing lungsod, kamakalawa.

Sa isinumiteng ulat kahapon ni P/Chief Supt. Enrique Galang Jr., director ng Police Regional Office (PRO)-5 sa tanggapan ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza, ang suspek ay naaresto matapos ang mahigit isang linggong pagtatago sa batas pagkaraang isagawa ang pamamaslang sa alkalde.

Kinilala ang suspek na si Rolando Boncares, 37, watchman at residente ng Acacia Nursery sa Masbate City.

Sinabi ni Galang na si Boncares ay nadakip sa hide-out nito ng magkakasanib na elemento ng Task Force Espinosa at ng Masbate Provincial Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Sr. Supt. Antonio Entera.

Ayon sa opisyal, si Boncares ay positibong itinuro ng maraming testigo na isa sa pitong armadong kalalakihang bumistay ng bala sa nasabing alkalde.

Magugunita na si Espinosa ay pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng mga armadong kalalakihan habang dumadalo sa benefit dance sa piyesta ng Brgy. Bantigue sa Masbate City noong nakalipas na Agosto 9 ng madaling-araw.

Sa nasabing insidente ay tatlong inosenteng sibilyan din ang nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala na sina Fidel Marcos, Junecil Cunanan at Henry Regalado.

Samantala, pinaniniwalaan ding may bahid ng pulitika ang pagkakapaslang kay Espinosa dahil sa matinding banggaan sa pulitika sa Masbate. (Ulat nina Ellen Fernando, Joy Cantos at Ed Casulla)

ACACIA NURSERY

ANTONIO ENTERA

BONCARES

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

ED CASULLA

ELLEN FERNANDO

ENRIQUE GALANG JR.

ESPINOSA

MASBATE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with