^

Probinsiya

Pulis tinorture muna bago pinatay ng mga sundalo

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Pinahirapan muna bago patayin ang isang kagawad ng pulisya ng mga sundalong miyembro ng Task Force Banahaw upang ipaghiganti ang nasawing kasamahan sa pakikipagbarilan sa mga miyembro ng San Pablo PNP dahil lamang sa pagtatalo sa trapiko kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sto. Angel, San Pablo City.

Nabatid kay PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr., naganap ang engkuwentro bandang 5:45 ng hapon makaraang masagi ng sasakyan ng Task Force Banahaw ang sasakyan naman ng mga kagawad ng San Pablo PNP.

Napag-alaman na hindi magkasundo ang mga sundalo na pinaniniwalaang mga lango sa alak laban sa mga pulis kaya nagbarilan na lamang ang mga ito.

Kaagad na napatay ang isang nagngangalang Sgt. Cerdenia ng Phil. Army na nakabase sa San Pablo City.

Matapos ang putukan ng magkabilang panig at napatay ang isa sa kasamahan ng Task Force Banahaw ay nagkataon naman naiwan si SPO1 Armando Demejes kaya sapilitang dinala ito ng mga sundalo sa kanilang kampo at doon pinahirapan bago patayin.

Nailabas lamang ang bangkay ni Demejes mula sa kampo dahil sa pakikipag-ugnayan ni San Pablo Mayor Florante Aquino kay Phil. Army Col. Palparan.

Si SPO1 Jerryson Laguras naman na isang imbestigador na katulad ni Demejes ay nakaligtas sa pakikipagbarilan sa tropa ng Task Force Banahaw. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ARMANDO DEMEJES

ARMY COL

CHIEF SUPT

DEMEJES

DOMINGO REYES

ED AMOROSO

SAN PABLO

SAN PABLO CITY

TASK FORCE BANAHAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with