^

Probinsiya

Bus vs truck: 2 patay, 4 grabe

-
ALFONSO, Cavite – Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyang truck ng mga biktima sa kahabaan ng Aguinaldo highway sa Brgy. Upli ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawing biktima na sina Manuel Maligaya, 22, may asawa at driver ng elf truck ng Brgy. Kayapas, Magallanes, Cavite at Leonila Blanca, 49, pasahero ng nabanggit na truck.

Samantala, ang mga biktimang malubhang nasugatan na ngayon ay nasa Dela Salle University Medical Center ay nakilalang sina Rommel Rollo, 18, Rochelle Maligaya, 14, Lucita Tanuyan, 46 at Roxanne Maligaya na pawang mga residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Robencio Constantino, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente bandang alas-9:40 ng umaga habang bumabagtas sa nabanggit na highway ang minamanehong truck ni Maligaya na may plakang DTR-325.

Dahil sa madulas ang kalsada ay biglang nawalan ng kontrol ang driver ng truck kaya kinabig nito pakaliwa subalit hindi napansin ang paparating na pampasaherong bus na may body no. 1870 kaya nagkasalubong ang dalawang sasakyan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DELA SALLE UNIVERSITY MEDICAL CENTER

LEONILA BLANCA

LUCITA TANUYAN

MANUEL MALIGAYA

ROBENCIO CONSTANTINO

ROCHELLE MALIGAYA

ROMMEL ROLLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with