^

Probinsiya

Lolo natagpuang patay

-
TANZA, Cavite — Basag ang bungo at halos hindi na makilala nang matagpuang patay sa isang madamong lugar ang isang 75-anyos na lolo sa Brgy. Capipisa ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang hinihinalang pinaghahataw ng matigas na bagay sa mukha ay nagtamo pa ng tama ng baril ay kinilala ni Pol. Supt. Romeo Caringal, hepe ng pulisya sa bayang ito na si Simeon Bacolod, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring matukoy na suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima.

Sa imbestigsyon ni PO1 Neil Morano, may hawak ng kaso, dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ng isang nagngangalang Gabino Bigalgal, residente rin ng nasabing lugar, ang nakahandusay na bangkay ng biktima sa madamong lugar, malapit sa kanilang daanan.

Sabog ang mukha at basag ang bungo ng biktima at natagpuan sa tabi ng bangkay nito ang isang matigas na kahoy, palakol at basyo ng shotgun, na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Kasalukuyang isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya sa karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BASAG

BRGY

CAPIPISA

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

GABINO BIGALGAL

KASALUKUYANG

NEIL MORANO

ROMEO CARINGAL

SIMEON BACOLOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with