Polio victim doble ang kamatayang inabot
August 4, 2001 | 12:00am
ALIAGA, Nueva Ecija Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking polio victim, matapos na barilin sa sentido ay dinala pa sa may sementeryo at doon sinaksak ng samurai ang tiyan ng apat na hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa ng gabi sa Barangay San Emiliano ng bayang ito.
Sa ipinadalang ulat ng Aliaga Police Station sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Raul Bacalzo, director ng Nueva Ecija PNP, nakilala ang biktima na si Nelson Esmabe, alyas Uma at residente ng Barangay San Emiliano.
Sa imbestigasyon, dakong ika-7 ng gabi habang si Nelson ay nasa loob ng kanilang tindahan na tapat lamang ng kanyang bahay, apat na di-kilalang lalaki ang lumapit sa biktima at walang kaabug-abog na ito ay barilin sa ulo.
Ayon kay P/Supt. Abraham Rafanan, hepe ng Aliaga Police Station, matapos na barilin si Nelson ay binawian agad ito ng buhay ngunit binuhat pa ito ng mga suspek patungong sementeryo at doon ay sinamurai at pagkatapos ay mabilis na nagsipagtakas.
Wala pang motibo na nai-establish ang pulisya sa isang karumal-dumal na krimen na naitala sa bayang ito. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest