2 pulis nilikida ng NPA sa piyesta
August 4, 2001 | 12:00am
Dalawang pulis ang nasawi matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang hitmen ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagmamantine ng seguridad sa ginanap na singing contest sa gymnasium sa kapiyestahan ng Mahal na Patron ng Talacogon, Agusan del Norte, kamakalawa ng gabi.
Kapwa dead on arrival sa Provincial Hospital sa Patin-ay, Prosperidad ng nasabing lalawigan ang mga biktimang nakilalang sina PO3 Godoy Labarete at PO1 Darwin de Jesus Jr., kapwa nakatalaga sa Police Beat System.
Samantala, isa rin sa mga nakabarilang rebelde ng mga biktima ang nasugatan na tinangay ng kanilang mga kasamahan sa pagtakas.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-11 ng gabi habang nagmamantine ng seguridad ang dalawang kagawad ng pulisya sa Barangay del Monte, Talacogon, Agusan del Norte kaugnay ng kapiyestahan ng Mahal Na Patron sa nasabing lugar nang maganap ang insidente.
Bigla na lamang umanong inilabas ng mga suspek ang nakatago nitong handguns at pinagbabaril ng malapitan si de Jesus na nagtamo ng malubhang tama ng bala sa kanyang noo at tiyan.
Mabilis namang sumaklolo si PO1 Labarete na di kalayuan kay de Jesus at binaril nito ang isa sa mga suspek na nasugatan sa katawan.
Subalit lumapit ang isa pang kasamahan ng suspek at binaril si Labarete na kapwa duguang bumagsak sa semento.
Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon tangay ang dalawang .45 pistola na nakaisyu sa dalawang biktima.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest