15 Abu Sayyaf naaresto, 6 sumuko
July 27, 2001 | 12:00am
ISABELA, Basilan Tinatayang aabot sa labinlimang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf ang naaresto ng tropa ng militar habang anim naman ang sumuko kabilang ang isang kumander ng grupo na may patong sa ulo ng P1 milyon sa magkahiwalay na lugar sa Sulu at Basilan, kamakalawa.
Kinilala ni Southern Command Deputy for Operations Col. Francisco V. Gudani ang mga naaresto na sina Mahmud D. Morales, Matapi Saman, Benjamar Abbani, Haisam Sangkula, Aimin Abbani, Duva Insung, Lings Onting, Hakkim Siddik, Sulaiman Alian, Madjanar Jiari, Muhamar Akbar na pawang naaresto ng militar sa isang zoning operation, kamakalawa sa Barangay Tinambakan, Lamitan, Basilan habang sina Hadji Rapang Alpha at asawang si Zoraida Alpha at Norsida Hassan, asawa ni Kumander Sattar Yaquob ay nalambat sa isang raid sa isang safe house sa Barangay Colonia, Lamitan, Basilan at Attari Samman Mamah, 22, ng Barangay Kabatuhan Tiis, Talipao na umanoy tauhan ng ASG lider Mujib Susukan.
Nasamsam din sa mga naarestong bandido ang 3 cal. 5.56MM M16 rifles, 2 cal. 30M1 carbine, 1 cal. 30M1 garand, 9MM Baretta pistol, 1 cal. 45 pistol (paltik) at mga assorted ammunition.
Napag-alaman din kay Col. Gudani na si Kumander Ismael Radjirul at ang mga kasamahang sina Noh Radjirul, Sahalan Pang Jamdan, Alfad Lampugaring, Sakilan Sali at Kane Alibasa ay sumuko sa military Intelligence Unit (MICO) ng 104th Brigade sa Barangay Bualo Lipid, Maimbing, Sulu.
Ang pagsuko ng naturang mga bandido ay resulta ng negosasyon na isinagawa ni Maimbung OIC Mayor Haiber Habissi at ng mga barangay captain na sina Matarul Joe, Hatta Tiblon at Musa Radjirul. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended