^

Probinsiya

Trader, driver nakaligtas sa kidnaping

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dahil sa itinayong checkpoint ng Bulacan PNP na may kaugnayan sa "State of the Nation Address" ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nakaligtas sa tiyak na pagdukot ang isang mayamang trader at driver nito habang sakay ng kanilang kotse kamakalawa ng tanghali sa Barangay Pungo, Calumpit ng nabanggit na lalawigan.

Ang mga biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya ay nakilalang sina Florence Arroyo, 27, dalaga at driver nitong si Roland Sarmiento, 23, may asawa at pansamantalang hindi nabatid ang mga tirahan.

Ayon kay Bulacan PNP Provincial Director P/Supt. Edgardo Acuña, ang mga biktima ay kalalabas pa lamang sa pabrika sa Brgy. Pio Cruzcoza bandang ala-1:30 ng tanghali nang sabayan sila ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa pagsakay sa kanyang van.

Habang tinatahak ang kahabaan ng nabangggit na barangay ay namataan ng mga suspek ang isang checkpoint ng pulisya kaya mabilis na bumaba at inabandona ang mga biktima.

Natagpuan sa hindi kalayuang binabaan ng mga suspek ang isinuot na bonnet, itim na long sleeves ng mga ito upang hindi sila makilala ng mga awtoridad. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY PUNGO

BULACAN

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

FLORENCE ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PIO CRUZCOZA

PROVINCIAL DIRECTOR P

ROLAND SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with