Kuya kinatay ng dalawang nakakabatang kapatid
July 25, 2001 | 12:00am
DEL GALLEGO, Camarines Sur Isang nakatatandang kapatid ang iniulat na pinagtulugang saksakin hanggang sa mapatay ng kanyang dalawang nakababatang kapatid na lalaki kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Sinuknipan ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Silva, 30, may asawa, magsasaka ng nabanggit na lugar habang ang dalawang kapatid na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang sina Allan at Noli Silva na kapwa rin magsasaka sa naturang barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-3 ng madaling araw habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang sinasakang lupain ng magkakapatid sa naganap na krimen dahil sa ilang malapit na kamag-anakan ang nagsasabing hindi magkasundo ang mga ito sa kanilang lupain. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest