^

Probinsiya

3 CAFGU dinukot bago pinugutan ng Sayyaf

-
ISABELA, Basilan – Tatlong miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf bago umano pinugutan habang ang mga biktima ay nangunguha ng niyog sa Barangay Kanibungan, Lantawan, Basilan noong nakaraang Sabado ng umaga.

Kinilala ng militar ang mga dinukot ng Sayyaf na sina Salam Salihin, Ottong Adjal at Madawi Abdurahim na nakabase sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na kahapon lamang kinumpirma ng isang alyas Salih na kasamahan ng tatlong CAFGUs ang naganap na pangyayari dakong alas-8 ng umaga noong Sabado.

Ayon kay Salih, pinakawalan siya ng mga bandidong Sayyaf upang iparating sa tropa ng militar na dinukot nila ang mga biktima at planong pugutan kapag hindi tumigil ang militar sa pagpapakalat ng CAFGUs sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa ulat ni 103rd Commanding Officer Col. Hermogenes Esperon na aabot na sa 147 miyembro ng CAFGUs ang ipinakalat sa lalawigan ng Basilan partikular sa Brgy. Tabuk at Riverside, Isabela upang hadlangan ang anumang paghahasik ng terorismo ng mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABU SAYYAF

BARANGAY KANIBUNGAN

BASILAN

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COMMANDING OFFICER COL

HERMOGENES ESPERON

MADAWI ABDURAHIM

OTTONG ADJAL

ROSE TAMAYO

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with