Ang biktima na idineklarang patay sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril at saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Felagio Cidoco, 37, brgy. captain ng Dalig sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-11 ng gabi na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan bago nag-paalam na uuwi na.
Nabatid pa sa imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima patungo sa kanilang bahay ay hinarang ito ng mga holdaper subalit nanlaban kaya tinuluyan ito ng mga hindi kilalang lalaki.
Natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa isang kanal na walang mga suot na alahas at pitaka nito na naglalaman ng malaking halaga. (Ulat ni Joy Cantos)