^

Probinsiya

2 coed tinamaan ng ligaw na bala, grabe

-
LUCENA CITY – Dalawang estudyanteng babae ang malubhang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril ng 12 gauge shot gun na aksidenteng pumutok habang nililinis ng isang security guard sa AE Building na sakop ng Enverga University, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ginagamot sa Andaman General Hospital ay nakilalang sina Ana- marie Patricio, 17 ng Perez St. at Reylyn Vargas, 18 ng Capistrano Subdivision, Barangay Gulang-Gulang.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang nakabaril sa kanilang security guard na si Albert Mabuting, 24, empleyado ng Kings Security Agency at residente ng Barangay Ipilan, Pagbilao, Quezon.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:15 ng umaga ay nililinis ng naturang sekyu ang kanyang service 12 gauge shotgun subalit sa di inaasahang pagkakataon ay aksidenteng pumutok at ang bala ay tumama sa dalawang biktima na noon ay naglalakad lamang. (Ulat ni Tony Sandoval)

ALBERT MABUTING

ANDAMAN GENERAL HOSPITAL

BARANGAY GULANG-GULANG

BARANGAY IBABANG DUPAY

BARANGAY IPILAN

CAPISTRANO SUBDIVISION

ENVERGA UNIVERSITY

KINGS SECURITY AGENCY

PEREZ ST.

REYLYN VARGAS

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with