Big time drug pusher todas sa pulis; 2 pa timbog
July 22, 2001 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal – Isang 27-anyos na lalaki na pinaniniwalaang big time drug pusher ang iniulat na nasawi makaraang mabistay ng bala ng baril dahil nakipagbarilan sa mga pulis sa itinayong checkpoint sa bayang ito habang ang dalawa nitong kasabwat sa sindikato ng droga ay nasakote kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang nasawing suspek na drug pusher at nakumpiskahan ng may 200 gramo na shabu na si Hajja Ayuh, tubong Zamboanga City at residente ng Culiat, Tandang Sora, Quezon City.
Samantala ang mga nasakote naman ay kinilalang sina May Ayuh, 27, asawa ng nasawi at Claro Agbuya, 28, ng Champaga St. Brgy. Tayuman ng bayang ito.
Ayon sa ulat na natanggap ni P/Supt. Dominador Penid, hepe ng pulisya sa bayang ito, nakatanggap umano sila ng impormasyon na tatlo katao na sakay ng isang Mitsubishi Lancer na may plakang DES-278 ang may dalang shabu.
Kaagad na nagtayo ng checkpoint ang pulisya sa nabanggit na lungsod bago namataan ang nabanggit na kotse na lulan ang mga suspek.
Nabatid pa sa pulisya na hinarang ng mga tauhan ni Penid ang kotse at pinababa ang tatlo subalit sina May at Claro lamang ang bumaba at nanatiling nakaupo sa unahan ng kotse si Hajja.
Magsisimula sanang rekisahin ng pulisya ang laman ng nabanggit na kotse subalit kaagad na nagbunot ng baril ang nasawing suspek kaya inunahan na ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest