16 katao nalambat sa jueteng
July 21, 2001 | 12:00am
CABIAO, Nueva Ecija Tinatayang aabot sa labing-anim katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Nueva Ecija PNP at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang biglaang pagsalakay sa isinasagawang bolahan ng jueteng kahapon sa Barangay Barrio Maligaya ng bayang ito.
Kinilala ang mga suspek na lumabag sa PD1602 at ngayon ay nasa punong tanggapan ng NBI sa Manila ay sina Joselito Civillo, Rogelio Cumbre, Eldie Montano, Richard Doromal, Luis Garcia, Jerry Cunanan, Larry Cruz, Randy Garcia, Wilfredo Gabino, Lucito Lopez, Jose Longalong, Victor Garcia, Val Santiago, Mauro Pangilinan, Jaime Macandili at Reynaldo Oanes na pawang mga residente ng naturang barangay.
Base sa ulat ng pulisya, bandang 1:00 ng hapon nang isagawa ang biglaang pagsalakay dahil sa may isang linggo nang isinasailalim sa surveillance ng mga awtoridad ang nabanggit na bolahan ng jueteng.
Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa pinagbobolahan ng jueteng ang halagang P2,623.00 at ibat ibang paraphernalia ng nabanggit na sugal. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest