Fiscal arestado sa extortion
July 20, 2001 | 12:00am
ILOILO CITY Isang fiscal sa bayan ng Mambusao, Capiz ang iniulat na naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment sa pangongotong sa isang kliyente nito ng halagang P50,000 kamakalawa ng hapon sa naturang lalawigan.
Kinilala ng NBI ang inakusahang extortionist na si Fiscal Romulo Gutico ng Barangay Talanghaun, Cabatuan, Iloilo habang ang bibiktimahing kliyente ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Base sa isinumiteng ulat kay NBI Director Reynaldo Wycoco, humihingi umano si Gutico ng halagang P50,000 sa isang babaeng kliyente nito upang makulong ang suspek na pumatay sa kanyang asawa noong 1999.
Subalit hindi nito kayang ibigay ang naturang halaga kay Gutico kaya humingi ito ng tulong sa mga ahente ng NBI upang dakpin sa aktong extortion.
Ayon pa sa ulat ng NBI, naaktuhan si Gutico na inaabot ang naturang halaga sa isang ahente ng NBI na nagpanggap na malapit na kamag-anak ng babae sa loob ng isang restaurant sa naturang lugar. (Ulat ni Jun Aguirre)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest