^

Probinsiya

2 barko nagbanggaan sa pier ng Davao

-
Isang clean up operation ngayon ang isinasagawa ng Philippine Coast Guard sa isang pier sa Davao City matapos na tumagas ang langis sa isang lokal na barko na bumangga sa isang mas malaking barko mula sa Singapore noong nakaraang Lunes ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ng PCG-Davao sa Department of Transportation and Communications (DOTC), sinabi ni duty-officer Rolando Ricafrente na nagsalpukan ang Singaporean MV Pacific Eagle at MV Dingalan Bay habang kapwa nagmamaniobra ang mga ito sa pagdaong sa Pier 8.

Wala namang naiulat na nasawi at nasaktan sa naturang insidente dakong alas-5 ng hapon.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, isang malaking butas umano ang nalikha sa MV Dingalan Bay na nagresulta upang tumagas ang gasolina nito. Pinasok rin ng tubig ang naturang barko ngunit masuwerteng hindi ito tuluyang lumubog.

Sinabi ni Ricafrente na lubhang naagrabyado sa banggaan ang lokal na barko na may bigat na 1,479 tonelada kumpara sa mas mabigat na Singaporean vessel na may timbang na 8,533 tonelada. (Ulat ni Danilo Garcia)

DAHIL

DANILO GARCIA

DAVAO

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DINGALAN BAY

PACIFIC EAGLE

PHILIPPINE COAST GUARD

ROLANDO RICAFRENTE

SINGAPOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with