Coed na service crew ginilitan ng holdaper
July 13, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Ginilitan ng leeg hanggang sa mapatay ang isang 20-anyos na babaeng burger crew ng isang trike driver makaraang manlaban ang una sa ginawang panghoholdap ng huli kahapon ng umaga sa Sitio Dalisay, Brgy. San Isidro ng lungsod na ito.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Antipolo Community hospital ang biktimang si Plea Obusan, dalaga, estudyante ng Sitio Sto. Niño, Brgy. San Jose ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Antipolo detention cell ay nakilalang si Eduardo Cabubas, 27, binata, alyas Andy, isang trike driver at residente ng Santos St., Sitio Manggahan, Brgy. San Roque, Antipolo City.
Napag-alaman sa ulat ni P/Supt. Reynaldo Macalalad, hepe ng Antipolo police station na positibong itnuro ng mga tricycle driver ang suspek na siyang nangholdap at pumatay sa biktima.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang magpanggap ang suspek na bibili ng humburger sa pinapasukang Burger Machine ng biktima.
Sinamantala ng suspek na nakatalikod si Obusan upang kunin ang kinita sa kaha subalit naaktuhan ito at nanlaban ang biktima hanggang sa mauwi sa malagim na krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest