^

Probinsiya

Jeep sumalpok sa sign board: 19 grabe

-
NABUA, Camarines Sur – Labinsiyam katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong jeep na sinasakyan ng mga biktima sa isang sign board sa kahabaan ng national road sa Barangay Tandaay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang dinala sa Nabua District Hospital na sina Antonio Queding, 45; Joel Bragais, 32; Ulysis Rosario, 41; Edmundo dela Cruz, 45; Jose Reyes, 40; Joven dela Cruz, 20; Salvador Sacrag, 21; Dominic Montanos, 3; Maribel Mansas, 29; Melinda Marano, 37, Christian Abion, 21; Prodencio Sacrag, 33; Herbert Beatrix, 33; Edith San Diegho, 37; Erfa Sape, 39; Josephine Coma, 28; Myrna Rabasa, 42; Dexon Mendebol, 24 at Salvacion Regalario, 38 na pawang mga residente ng Libon, Albay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-3:55 ng hapon habang ang jeep na may plakang DLN-484 ay tumatahak sa nasabing highway bago sumalpok sa isang sign board sa gilid ng kalsada.

Nabatid pa na nawalan ng preno ang nasabing jeep patungong Maynila mula sa Libon, Albay ng maganap ang aksidente. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ANTONIO QUEDING

BARANGAY TANDAAY

CAMARINES SUR

CHRISTIAN ABION

CRUZ

DEXON MENDEBOL

DOMINIC MONTANOS

ED CASULLA

EDITH SAN DIEGHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with