^

Probinsiya

Lover boy ni misis pinugutan ni mister

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dahil sa matinding selos at kahihiyan sa mga kapitbahay ay nagawang pugutan ng isang mister ang kalaguyong lalaki ng kanyang misis kamakalawa ng umaga sa Sitio Balanga, Siling Bata, Pandi ng naturang lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktimang si Ramil Lurida, may sapat na gulang, binata ng naturang barangay.

Habang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng mga tauhan ni Bulacan PNP Provincial Director P/Supt. Edgardo Acuña ay nakilalang si Danilo Mariñas, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen sa loob ng kubo na pag-aari ni Ceferino Cruz na isang barangay councilman dakong alas-11:00 ng umaga.

Bago isagawa ang krimen ay inimbitahan ng suspek ang biktima na makipag-inuman at nang malango na sa alak ay nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa sa kumakalat na balitang may relasyon ito sa kanyang misis.

Ayon sa ilang testigo na nakasaksi sa krimen, ang usapan ng dalawa ay nauwi sa mainitang pagtatalo dahil sa mariing pinabubulaanan ito ng biktima subalit dahil sa lango na ang suspek ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

At dahil sa kahihiyang idinulot sa pagkalat ng balita na kalaguyo ng biktima ang misis ay kinuha ng suspek ang jungle bolo na nakasukbit sa baywang at nag-ala Abu Sayyaf na tinagpas nito ang ulo ng biktima bago lumabas ng kubo na parang walang nangyari. (Ulat ni efren Alcantara)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

BULACAN

CEFERINO CRUZ

DANILO MARI

EDGARDO ACU

PROVINCIAL DIRECTOR P

RAMIL LURIDA

SILING BATA

SITIO BALANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with