3 Barangay nilusob ng Sayyaf: 5 todas, 3 grabe
July 7, 2001 | 12:00am
ISABELA, Basilan Lima katao ang iniulat na nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang salakayin ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang Barangay Tikos at Tongsehan sa Sumisip at Brgy. Central sa hangganan ng Sumisip at Malusok, Basilan noong nakaraang Hulyo 5, 2001, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang dalawa sa limang nasawing biktima na sina Hadji Warid Hamajin at anak nitong si Nondy Hamajin, 20, binata, habang ang tatlo ay bineberipika pa ng mga awtoridad.
Ang mag-ama ay napagtripang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng naturang grupo habang nagsasaka ng kanilang palayan.
Samantala, ang tatlong malubhang nasugatan ay nakilala namang sina Espaldon Emo, 20; Raja Hussin, 40; at Hadjan Abdad na isang brgy. kagawad ng Tongsehan.
Naitala ang pagsalakay ng grupo ng mga armadong Sayyaf dakong alas-3:30 at alas 5:30 ng hapon habang nagpapahinga na ang mga residente sa kani-kanilang bahay.
Nabatid sa ulat ni Basilan provincial information officer Cris Puno na unang nilusob ng mga armadong bandidong Sayyaf ang Brgy. Tikos sa pamumuno ng isang kumander na si Ahmad Mohamad at kumander Hapi Tainji bago isinunod ang Brgy. Tongsehan.
Ayon pa sa ulat, bago nagsitakas ang mga armadong grupo ay tinangay pa ang mga alagang hayop, pagkain at kagamitan ng mga residente sa magkatabing barangay.
Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng tropa ng militar ang mga Sayyaf na tumakas sa hindi nabatid na direksyong bulubundukin at magubat ng naturang lugar. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended