$1.04M donasyon ng Saudi sa Pinas
July 4, 2001 | 12:00am
Tinanggap kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang donasyong mga kagamitang medical mula sa Saudi Arabia na nagkakahalaga ng $1.04 milyon para sa mga mamamayan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang dokumento para sa donasyong mga kagamitang medikal ay ipinagkaloob sa Pangulo ni Saudi Ambassador to the Philippines Saleh Mohammad Al-Ghamdi sa isang seremonyang dinaluhan nina Vice-President at Foreign Secretary Teofisto Guingona at ARMM Governor Nur Misuari.
Sinabi naman ng Pangulo na ang donasyon ay makakatulong ng malaki sa mga mamamayan ng Lanao del Sur, Maguindanao Sulu at Tawi-Tawi na siyang kumakatawan sa ARMM. Pinasalamatan din ng Pangulo ang Saudi Arabia sa pagkakaloob ng tulong.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na gagamitin niya ang pautang na ito para maipatupad ang mga proyektong rehabilitasyon sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng labanan ng mga sundalong militar at Moro Islamic Liberation Front. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest