^

Probinsiya

Dalaga dinukot ng pulis

-
KAWIT, Cavite — Isang 26-anyos na babae ang dinukot ng isang miyembro ng Cavite PNP habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tabon 3 ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Desiree Orig Victa, dalaga, ng Victas Compd. ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng follow-up team ng pulisya ay nakilalang si PO2 Reynaldo Caranay na nakatalaga sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-8:30 ng gabi nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima at sapilitang hinila papalabas ng bahay bago isinakay sa kanyang kotse.

Nabatid pa na tutulong sana ang ilang kapitbahay na kalalakihan upang mapigilan ang pangyayari subalit nagpaputok ng baril ang suspek na pinaniniwalaang lango sa alak na ikinatakot naman ng mga ito na mapatay sila.

May teorya ang pulisya na binigo sa pag-ibig ng biktima ang suspek kaya napagpasyahan na lamang na dukutin. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

DESIREE ORIG VICTA

ISANG

KINILALA

MADING SARMIENTO

NABATID

REYNALDO CARANAY

VICTAS COMPD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with