^

Probinsiya

NPA vs militar: 2 patay, 2 kritikal

-
Dalawang pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang napatay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga rebelde sa Silay City, Negros Occidental, kamakalawa.

Nakilala ang dalawang napatay na rebelde na sina Allan Galagate alyas Ka Boni, 24 at Alex Tanda alyas Ka Dexter, 24.

Ang mga nasugatan ay kinilala namang sina Joemar Magno alyas Ka Jojo, 18, residente ng Brgy. Bonifacio at Marvin Esporas alyas Ka Boboy, 18, ng Brgy. Guimbolan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang nakasagupa ng mga elemento ng 78th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebeldeng NPA.

Mabilis namang nagsitakas ang kanilang mga kasamahang rebelde matapos na dalawa ang malagas sa kanilang grupo.

Ang dalawa pang rebelde ay nakorner at naaresto ng tropa ng militar matapos na masugatan sa engkuwentro.

Wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEX TANDA

ALLAN GALAGATE

BRGY

INFANTRY BATTALION

JOEMAR MAGNO

JOY CANTOS

KA BOBOY

KA BONI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with