^

Probinsiya

7 pulis isinabit sa kasong pagnanakaw

-
CAMP OLIVAS, Pampanga — Pitong kagawad ng pulisya na nakatalaga sa Nueva Ecija Police Office (NEPO) ang nalalagay ngayon sa balag ng alanganin makaraang isangkot ang mga ito sa umano’y ginawang panloloob at pagnanakaw sa bahay ng isang kamag-anak ng Barangay Chairman sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, kamakailan lamang.

Sa isang complaint affidavit na isinampa sa tanggapan ng National Police Commission (Napolcom), kinilala ang mga inakusahan sa panloloob na sina PO2 Miriam Evangelista at Hope Azucenas; PO1 Alfredo Fara-On, Franklin Moral, Arnel Mutallano, Liezel Cantina at Ferdinand Reguin, pawang miyembro ng Nueva Ecija Police Office (NEPO).

Ayon kay Edmund Fernandez, hepe ng Inspection, Monitoring and Investigation Service ng Napolcom, ang mga inakusahan ay pinadalhan na ng summoned letter upang magbigay linaw sa naganap na nakawan noong nakalipas na Mayo 11 sa bahay ng biktimang si Marlon Saplandre, 22, residente ng Barangay Tabuating, San Leonardo sa naturang lalawigan at isang aktibong miyembro ng Kabalikat Radio Communication Group sa kanilang lugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

ALFREDO FARA-ON

ARNEL MUTALLANO

BARANGAY CHAIRMAN

BARANGAY TABUATING

EDMUND FERNANDEZ

FERDINAND REGUIN

NUEVA ECIJA POLICE OFFICE

SAN LEONARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with