Ito ang nabatid kay Luneza Amasi, rabies control program coordinator na nagpahayag na may 261 kaso ang iniulat sa kanilang tanggapan mula noong nakaraang Enero 2001.
Subalit aabot lamang sa 134 katao na kinagat ng asong gala ang nagpagamot na.
Sinisi naman ni Amasi ang mga residenteng nakagat ng asong gala na hindi kaagad kumunsulta sa doctor.
May paniniwala si Amasi na mas mataas pa ang bilang ng mga residenteng nakagat ng aso ang hindi iniulat sa kanilang tangggapan dahil may ginagamit umano itong "tandok" na pinaniniwalaang pang-alis ng mikrobyo ng rabies. (Ulat ni Ave Bello)