^

Probinsiya

Obrero hulog sa tulay, dedo

-
LUCENA CITY – Dahil sa kalasingan sa alak ang naging sanhi ng maagang kamatayan ng isang obrero makaraang mahulog mula sa may 20 talampakang tulay kamakalawa ng hapon sa hangganan ng Brgy. Salinas at Ibabang Talim sa nasabing lungsod.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Quezon Memorial Hospital ang biktimang si Vencio Marlinga, nasa hustong gulang, may asawa ng Purok Legaa, Brgy. Ibabang Talim.

Ayon kina SPO3 Raul Avilla at SPO3 Marcelino Uy, may hawak ng kaso, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa hindi nabatid na lugar.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga kainuman na pinagsabihan nila ang biktima na maghinay-hinay sa pag-inom ng alak upang madaling makauwi subalit binalewala umano ito.

Ilang sandali pa ay nag-paalam na ang biktima sa mga kaibigan upang umuwi na sa bahay.

Ayon pa sa ilang saksi, namataan nila ang biktima na bumabagtas sa riles ng tren patungo sa nasabing tulay at sa hindi maipaliwanag na kadahilan ay biglang nahulog ito na nagresulta ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Tony Sandoval)

AYON

BRGY

IBABANG TALIM

MARCELINO UY

PUROK LEGAA

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

RAUL AVILLA

TONY SANDOVAL

VENCIO MARLINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with