^

Probinsiya

Comelec official dinukot

-
Dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) habang papasok sa trabaho ang biktima kamakalawa ng umaga sa bayan ng Tiboli, South Cotabato.

Batay sa ulat na nakarating mula sa Camp Crame, nakilala ang biktima na si Provincial Election Supervisor Anthony Sia ng naturang bayan.

Naganap ang pangyayari dakong alas-7:00 ng umaga habang papalabas ng bahay ang biktima patungong pinapasukang trabaho, may ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo ng nasabing bayan.

May teorya ang pulisya na ilang talunang kandidato noong nakaraang eleksyon ang may kinalaman sa naganap na pagdukot sa biktima at gumamit lamang ng puwersa ng NPA rebels.

Napag-alaman pa ng pulisya na maraming nagrereklamong talunang kandidato laban sa biktima dahil sa mga katiwalian at may kinikilingang ibat ibang kandidato.

Samantala, patuloy din ang pangangalap ng matibay na ebidensya ang mga imbestigador upang beripikahin ang kumakalat na balitang binayaran ng malaking halaga ng ilang talunang kandidato ang mga rebelde upang kidnapin ang biktima.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang rescue operation ng kapulisan ng Tiboli upang mailigtas ng buhay si Sia. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

BIKTIMA

CAMP CRAME

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PROVINCIAL ELECTION SUPERVISOR ANTHONY SIA

SOUTH COTABATO

TIBOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with