3 classroom sinunog
June 12, 2001 | 12:00am
VIGA, Catanduanes Tatlong bagong gawang classroom mula sa San Jose National High School ang sinadyang sinunog ng hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot noong linggo ng umaga sa Brgy. San Jose ng bayang ito.
Sa ulat ni P/Insp. Felito Bigtas, chief of police ng bayang ito, ang apoy ay nagmula sa isang kuwarto at mabilis na kumalat ang apoy sa dalawa pang katabing classroom.
Dakong alas-10:45 ng umaga nang may nakitang isang hindi kilalang lalaki ang naghagis ng isang bote ng gasolina na may apoy sa naturang lugar bago mabilis na tumakas.
Kabilang sa natupok ng apoy ay ang lahat ng libro at ibang ari-arian na gamit ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Dahil sa mabilis na responde ng mga miyembro ng pamatay-sunog ay naapula kaagad ang apoy at hindi nadamay ang ilang classroom.
Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pangyayari at kasalukuyang nagsasagawa na nang follow-up operation ang pulisya sa suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest