P2.6M kargamento hinayjak sa Tarlac
June 11, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa halagang P2.6 milyong produkto ng Anchor Milk at Colgate Palmolive ang hinayjak ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan kamakalawa ng hatinggabi sa kahabaan ng national highway ng Gerona, Tarlac.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari dakong alas-12:00 ng hatinggabi habang binabagtas ng isang ten-wheeler truck na naglalaman ng nasabing produkto ang kahabaan ng Namkwang Road, sa Brgy. San Antonio ng naturang lugar.
Matapos ang ilang oras na paglalakbay ay nagpasya ang mga pahinante ng truck na saglit na magpahinga kaya ipinarada nila ang sasakyan sa kahabaan ng nasabing daan subalit lingid sa kaalaman ng mga ito ay nagmamatyag na sa kanila ang hindi madeterminang bilang ng mga hijackers.
Matapos tutukan ay isa-isang ipinasok sa likod ng nasabing truck ang mga biktima habang pinatakbo naman ng mga suspek ang nasabing truck papunta sa Magaspac junction sa nasabi ring bayan.
Nang matunton ang nabanggit na lugar ay inilipat ang tatlong mga biktima sa isang naghihintay na L-300 van na minamaneho at sinasakyan ng isa pang grupo ng mga suspek samantalang tuluyan namang itinakas ang truck sa hindi pa mabatid na direksyon.
Ibinaba ang mga nakagapos pang biktima sa Brgy. Caulipat, Tarlac kaya natagpuan at iniligtas ng mga barangay tanod dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended