Pulis, 2 pa timbog sa nakaw na cellphone cards
June 9, 2001 | 12:00am
TAGAYTAY CITY, Cavite Isang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Southern Police District Office (SPDO) na pinaniniwalaang bumibiktima ng mga tindahan ng cellcards kasama ang kapatid nito at kaibigan ang nasakote ng Tagaytay PNP kamakalawa ng gabi sa Brgy. Luksuhin, Alfonso, Cavite.
Ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa Tagaytay Municipal Jail ay nakilalang sina SPO1 Eric Ebia, kapatid nitong si Erwin Ebia at si Francis Blando, 33, na pawang mga residente ng Makati City.
Dahil sa reklamo ni Liza Evangelista, may-ari ng tindahan ng cellcards laban sa mga suspek ay kaagad na nakorner ng mga nagrespondeng pulis ang mga suspek na sakay ng kotseng may plakang WCA-438.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang pagnanakaw dakong alas 9:30 ng gabi makaraang pumasok sa tindahan ang mga suspek na nagkunwaring bibili ng mga cellcards na nagkakahalaga ng P5,000.
Subalit hindi nagbayad ang mga suspek at mabilis na sumakay sa kanilang kotse.
Dahil sa pangyayari ay mabilis na tumawag ang biktima sa himpilan ng pulisya at kaagad naman nadakip ang mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest