Peace talks tuloy sa Libya
June 9, 2001 | 12:00am
DAVAO CITY Dahil sa pagdeklara ng all-out war policy laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ni dating President Joseph Estrada na naging dahilan upang maantala ang negosasyon sa usaping pangkapayaan ay matutuloy na rin ang peace talks na itinakda sa Hunyo 20 sa bansang Tripoli.
Ang naturang usapin ay kinumpirma naman ni Moner Bajunaid ng MILF technical committee na siyang nakipag-usap sa mga opisyal ng Libyan Embassy sa Manila noong nakaraang taon.
Bukod sa Libya, sumang-ayon din ang Indonesia at Malaysia na isagawa ang peace talks sa kanilang bansa subalit pinanindigan na ng pamunuan ng MILF na sa Libya ganapin ang meeting sa pagitan ng gobyerno at MILF leaders.
Dahil sa nalalapit na peace talks meeting ay nakipagpulong na noong nakaraang Miyerkules si peace panel chief negotiator Jesus Dureza na siya rin Presidential Assistant for Mindanao kay MILF vice chairman for military affairs Al Haj Murad sa Kuala Lumpur. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest