Nawawalang US sailor natagpuan na
June 8, 2001 | 12:00am
ANGELES CITY, Pampanga – Natagpuan na ang nawawalang si US sailor Lt. JG Scott Alan Washburn na isa sa mga kalahok sa isinasagawang RP-US joint military exercises, na ini-ulat na dinukot ng pinaghihinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) noong Martes habang nagte-trekking sa paanan ng Mt. Pinatubo sa Barangay Sapang-Bato, Angeles City.
Si Washburn ay natagpuan isang araw matapos ang naganap na pananambang ng mga rebelde na naka-shorts lamang malapit sa isang kuweba ng nabanggit na bulkan ng dalawang katutubong aeta na kinilalang sina Patricio Gutierrez at Rafael Pan sa Barangay Sapang-Bato.
Kaagad na isinurender ng dalawang aeta si Washburn sa pamunuan ng Clark Economic Zone sa pamamagitan ni Col. Alejandro Rosete, ang security chief PNP ng naturang Economic Zone.
Si Washburn na maraming galos ang katawan ng iniharap sa media, kasama ang apat na mga Amerikanong sundalo, apat na tauhan ng Philippine Navy at sibilyang giya ay napa-ulat na hinarang ng may 30 armadong rebelde sa paanan ng Pinatubo sa Barangay Sapang-Bato, Angeles City, Pampanga.
Kabilang sa mga kasamahan ni Washburn ng maganap ang insidente ay sina US servicemen LTSG Jeff Buschmann, Ensign Sean Babbit, BM2 William Anson, SN Patrick Harrison; Phil. Navy (PN) Force Protection Team PO2 Mario Padilla, SN1’s (Seaman 1st Class) William Asuncion, Ruben Bautista, Vicente Manique at ang mga guides na sina Benigno Ambrocio at Alfredo Timote.
Matapos dis-armahan ang mga navymen ng kanilang mga baril ay pinawalan din ang mga ito subalit napahiwalay si Washburn sa naturang grupo habang nagkakagulo.
Si Washburn ay nakatakdang tumungo sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sa US Embassy sa mga sumandaling ito. (Ulat nina Jeff Tombado at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest