^

Probinsiya

Nanliligaw tinodas ng grupo ng adik

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isang 20-anyos na lalaki na naaktuhang nanliligaw ang napagtripang gulpihin at pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kapatid na lalaki ng nililigawang babae ng una kamakalawa ang gabi sa Brgy. Luciano ng lungsod na ito.

Ang biktima na tadtad ng saksak ng patalim sa katawan ay kinilalang si Donald Duran, binata ng naturang lugar.

Samantala, ang isa sa suspek na pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot ay nakilalang si Abnel Raniel, nasa hustong gulang ng nasabi rin na lugar.

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima dakong alas 5:00 ng madaling araw sa liblib at madamong lugar sa Brgy. De Asis, Mendez, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumalabas na namataan ng mga suspek ang biktima na papauwi galing sa bahay nang nililigawang babae na kapatid naman ni Raniel.

Ayon pa sa ulat ng pulisya pinagtulungan ng grupo ni Raniel na isinakay sa tricycle ang biktima bago gulpihin at nang mapatay ay itinapon sa naturang lugar. (Ulat ni Mading Sarmiento)

ABNEL RANIEL

AYON

BRGY

CAVITE

DE ASIS

DONALD DURAN

ISANG

LUCIANO

MADING SARMIENTO

RANIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with