9 NPA rebels todas sa tropa ng militar
June 6, 2001 | 12:00am
Siyam na rebeldeng miyembro ng New Peoples Army (NPA) at isang sundalo ang iniulat na nasawi sa naganap na engkuwentro sa tropa ng militar at mga rebelde sa magkakahiwalay na lugar ng hilagang bahagi ng Samar at Sta. Cruz, Marinduque kamakalawa ng umaga.
Batay sa ulat na tinanggap nina Major General Narciso Abaya, Southern Luzon Commander (SOLCOM) at 19th Infantry Battalion Commander Col. Rafael Romero, isa sa mga NPA rebels ang nakilalang si Abe Ricohermoso at ang walo pang iba ay kasalukuyang bineberipika pa ang mga pangalan.
Samantala, ang nasawing sundalo ay nakilalang si S/Sgt. Cleto Gonagua ng 74th IB, habang ang sugatang sundalo naman ay si Pfc. Vicente Lorila.
Ayon pa sa ulat, unang naganap ang sagupaan ng magkabilang panig dakong alas-8:40 ng umaga sa Brgy. Cuenco, Las Navas, Samar habang ang tropa ng 19th IB ng Phil. Army ay nagsasagawa nang pagpapatrolya.
Tumagal sa 30 minuto ang putukan bago nagsiatras ang mga NPA rebels dala ang kanilang sugatang kasamahan habang tinutugis naman ng tropa ng Phil. Army.
Kasunod nito, naganap naman ang sagupaan ng 74th IB ng Phil. Army dakong alas-10:10 ng umaga sa Brgy. Hagimit, Sta. Cruz, Marinduque habang nagsasagawa ng strike operation laban sa NPA rebels na napaulat na nagkukuta sa naturang lugar.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang malawakang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga rebeldeng NPA na nagkukuta sa ibat ibang panig ng lalawigan. (Ulat ni Tony Sandoval at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended